“Ang Piko” by rueryesun.near
Kalimitan nating nakikita at naririnig sa ating kapaligiran— sa gilid ng bahay, sa kalsada o mapa sa bukid man— ang masasayang tawanan ng mga bata tuwing alas-3 na ng hapon.
Isa na ata sa pinakapaborito kong laro noon ay ang “piko” o tinatawag nilang Hop scotch sa Ingles.
Nilalaro siya gamit lamang ang bato, o ang ating pamato na siyang ating ihahagis sa mga nakasulat na numero sa sahig ( sa loob ng box ) at siyang ating pupulutin din. Dapat ay hindi mo matapakan ang numerong kinalalapatan ng iyong pamato , o matapakan ang guhit o linya, dahil kung nagkataon ay di ka aabante at baka matalo ka pa.
Ang piko ay kadalasang nilalaro kapag maaraw, pero naranasan niyo na bang laruin ito matapos ang ulan?
Isa iyon sa pinakanakakatawa pero di makakalimutang alaala ng aking pagkabata.
Naglaro kami matapos ang isang malakas na ulan, mayroong nadulas ako, ganoon na rin ang aking mga kalaro, ano pa nga ba ang nangyari? Namantsahan ang aming damit na siyang nagdulot ng palo sa pwet ng tsinelas at sinturon.
Ang kuya ko na siyang nanalo sa laro ay siya ring panalo sa palo.
Masasabi ko na lang na, Piko ay katumbas rin ng palo.
English translation:
We often see and hear in our neighborhood— on the side of the house, on the street, even on county’s— the happy laughter of children at 3 o’clock in the afternoon.
One of my favorite games back then was “piko” or what they call Hop scotch in English. He is played with only the stone, or our checkers which we will throw at the numbers written on the floor (inside the box) and which we will also pick up. You should not step on the number on your checker, or step on the line, because by chance you will not be able to advance and you may be beaten.
‘Piko’ is usually played when it is sunny, but have you ever experienced playing it after the rain?
It was one of the funniest but most memorable memories of my childhood. We played after a heavy rain, I slipped , so did my teammates, what else happened? Our clothes were stained which caused a slap on the butt of the slippers and belt.
You know what’s even funnier?
My older brother who won the game also won the beating.
I guess it’s safe to say that, Piko is also equivalent to a spanking. ⁇